applying working permit / work visa (no agency/direct hire / walk in applicant) | Malaysia Filipino Expat Forum
 
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

Login with username, password and session length
10/22/14, 11:06


Pages: 1 ... 13 14 [15] 16 17 ... 33
 
Topic: applying working permit / work visa (no agency/direct hire / walk in applicant)  (Read 79271 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
« Reply #140 on: 05/29/12, 16:35 »
jokerjester Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
jokerjester is a newbie in MPL
Posts: 3



Guys can you help me. Sorry for bumping up this thread.

I am currently here in Malayia (with a tourist VISA). I went hear to check out the company that would be hiring me. Now they are in the process of applying for my work permit. Is there any way for me to process everything here so that there is no need for me to go back to the Philippines? My approval letter is already with me (my company printed it out for me).

Really need help since my tourist visa will be expiring soon.
Logged
« Reply #141 on: 05/29/12, 16:42 »
jokerjester Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
jokerjester is a newbie in MPL
Posts: 3



[[You are not allowed to view links. Register or Login]]
[[You are not allowed to view links. Register or Login]]
Hello,

Need help sa mga direct hire from MSC status company. Upon reading kasi, ung usual is reference visa then apply for POEA here then sa MY na ung process ng EP. Yung sa employer ko ang advise is tourist daw ako mgeenter then ung POEA dun na ipprocess thru an agent since mas mabilis at mura daw pag dun na. Then agent lang ung eentertain dun not individual. Na may fee na 2500RM ata. shoulder naman nila. D na rin daw need bumalik sa Pinas.May nakaranas na po ba ng ganitong case.

eto ung detailed step accdg sa employer:
Stage 1 application to MDec
Prepare  required documents to Agent for POEA process
Original POEA required for Stage 2 Application
Employment Pass obtained  from Immigration

D po ba ko mahirapan sa immigration kase as a tourist tpos wala akong return ticket. Confuse lang.
Salamat po... Smiley

Ngayon pwede na, kasi meron na agency dito sa Malaysia nagproprocess ng POEA, pra hindi kana uuwi ng Pinas. Pero me return ticket ka pa rin kasi lalabas ka na tourist, Hindi pa legal na OFW. Pag wala ka return ticket tapos tourist ka, Hangang airport ka lng sa Pinas. Be sure ask mo sa employer about RT.  :-)

Can you PM me that agencies name and contact number (kung meron) para mabigay ko sa employer ko.

Guys can you help me. Sorry for bumping up this thread.

I am currently here in Malayia (with a tourist VISA). I went hear to check out the company that would be hiring me. Now they are in the process of applying for my work permit. Is there any way for me to process everything here so that there is no need for me to go back to the Philippines? My approval letter is already with me (my company printed it out for me).

Really need help since my tourist visa will be expiring soon.
Logged
« Reply #142 on: 06/22/12, 11:20 »
amer Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
amer is a newbie in MPL
Gender: Male
Posts: 3



hi po,
 
gusto ko po sana mag ask ng help..dati po akong nagtatrabaho s middle east for 7 years as restaurant supervisor..gusto ko po sanang magtry magwork s malaysia since i have relatives there n citizen na at mas malapit s philippines ang malaysia  Smiley pano po ba makakuha ng mabilis n way para makapag work dun?ok lang po bang mag visit visa muna ko dun saka hanap ng work?pano po ang processing ng pag punta s malaysia?tnx and godbless  Smiley
Logged
« Reply #143 on: 07/25/12, 23:59 »
tagabukidph Offline
MPL Junior

WWW
**

Reputation Power: 5
tagabukidph is a newbie in MPL
Posts: 11



ito po ang pinaka-updated steps para sa mga naghahanap ng gabay na masusundan sa pagpa-process ng pagiging legal na manggagawa ng malaysia... base po ito sa aking aktwal na karanasan na kahapon lamang (July 24, 2012) natapos… sana makatulong Grin


Call-in Visa/VDR, Medical Exam
ipapadala sa iyo ang dalawang kopya (via courier), isang naka-sealed envelope (malaysian embassy copy) at isang nakabukas na (personal copy)… sempre dadalhin po sa malaysian embassy ang naka-sealed envelope na document, kasama ang:
- valid passport (at least 6months from the date of travel ang expiry)
- airline booking information (ticket, itinerary)
- 2 passport size pictures
- photocopy of employment contract
- photocopy of college diploma
- medical certificate, malaysian embassy copy (original po, hindi photocopy) ; magpa-medical po sa mga malaysian embassy-accredited clinics; marami sa makati area kung gusto nyo na after makuha ng medical result ay diretso na sa embassy… merong tatlong accredited clinics sa may dian (isang sakay lang ng jeepney ang layo mula sa embassy):
1. St. Stephen Medical Clinic (PhP3,000.00); dito po ako nagpa-medical
2. Newton Medical and Diagnostic Services, Inc (PhP4,000.00); sarado po sila pag sabado
3. Sta. Rita Medical and Diagnostic Center; pinuntahan ko lang pero di ako tumuloy dahil ang daming tao na may referral slip pero mabagal ang staff kumilos hehe

basta clear ang resulta ng medical ay makukuha mo ang certificate within 1-2 days. kung mas preferred nyo po ang mas malapit sa area nyo, check nyo na lang ang mga clinics dito:
[[You are not allowed to view links. Register or Login]]

PERO siguraduhing mag-inquire muna kayo kung accredited sila ng malaysian embassy Wink

- PhP550.00 processing fee; makukuha nyo ang single-entry visa after 3 working days… bibigyan kayo ng claim stub at dun naka-indicate yung date kung kelan ka babalik...

okey, may "rush" processing din (minuto ka lang maghihintay) PERO ito po ay under the table transaction (maglalagay ka ng PhP1,000.00 dun sa magpa-process ng visa mo)... i suggest na maghintay na lang po ng 3 working days para sa processing pero kung gusto nyo po lalong mapayaman at i-encourage ang pagiging corrupt ng mga nasa malaysian embassy, nasa sa inyo na iyon...

legally, after 3 working days ay babalik ka ng malaysian embassy at ipe-present mo lang ang claim stub para makuha ang passport mo na may single-entry visa na… pagkatapos nito ay sa POEA processing ka na…

bawal po sa malaysian embassy ang naka-tsinelas at damit na walang collar… weekdays 9am to 12nn lang po ang processing at claiming hours nila…


POEA, Phase 1
huwag kalimutang pumunta sa POEA ng maagang-maaga para siguradong matapos agad at maiwasang bumalik uli… madalas kase pag hapon ka na pumunta ay bibigyan ka ng schedule na kinabukasan na dahil parang cutoff na nila ng applicants para sa araw na iyon...

dumating ako sa POEA ng 6:30am at pagpasok sa loob, lapitan yung POEA assistance desk (tapat lang ng entrance) at humingi ng number… sabihin na direct hire ka at ipakita ang single-entry visa at employment contract…

pang-number 8 po ako sa name hire - step 1… wag kalimutang ilagay ang pangalan sa Name of Worker ng stub:


di pa ako pinaakyat ng guard sa name hire section dahil maaga pa; naghintay muna ako sa mga upuan sa ground floor at pagsapit ng 7:40am ay dun pa lang nagpapasok… kaya wag kalimutang magdala ng libro o kung anumang mapaglilibangan para magpalipas ng oras…

aakyat ka sa second floor, maghahagdan ka lang (kahit may elevator dun)… may signage naman kung nasaan ang name hire section kaya di ka maliligaw…

pagdating sa name hire section, upo ka lang habang hinihintay mag-8:00am dahil sarado pa ang mga processing windows… pagsapit ng 8:00am, magkakaroon ng briefing ng kung anong gagawin sa phase 1 via PA… recommended na may dala kang long folder at paper clips dahil ilalagay mo sa:
A. Right Side ng folder (strictly in the following order)
- passport with visa
- original employment contract; ensure na makahingi ka ng original copy sa employer mo... yung ni-present kong contract ay may company stamp na pina-courier ko pa
- medical certificate, poea copy (original)

B. Left Side ng folder (strictly in the following order)
- photocopy of passport with visa
- photocopy of employment contract
- photocopy of medical certificate, poea copy

by batch of 5 po ang processing per window, to be announced via PA din… naka-indicate naman sa taas ng window number na Batch 1 yung ini-entertain nila…

tapos, depending on the employment contract, maaari kang bigyan ng compliance letter na kailangang ipadala sa employer mo para pirmahan at lagyan ng company stamp:


discuss natin mamaya kung ano ang gagawin mo sa letter of compliance na ito, proceed ka muna sa next step na ibibigay ko Wink

pagkatapos ng assessment, may mga ibibigay sa iyong forms (kasama ang mga original at photocopied documents mo) para i-fillup at PDOS form na wala pang schedule… kelangan mong pumunta sa OWWA section (same floor lang) para ma-secure ang PDOS schedule mo… makikita mo ang OWWA section sa labas ng name hire section, paglagpas ng mga payment windows at elevator…

kung maaga ka, dapat within the same day ang PDOS schedule mo… since ang Malaysia ay within Asia Pacific region, strictly 1:00PM ang PDOS schedule… pag na-late ka, sori ka na lang at magpapa-schedule ka uli para sa ibang araw Sad

at wala pong PDOS tuwing biyernes...

natapos ko ang Phase 1 ng wala pang 9:00AM...

balikan natin ang letter of compliance… (para po sa mga hindi makakatanggap ng letter of compliance, proceed na po kayo sa POEA, PDOS part sa ibaba)

ang letter of compliance ay sa Phase 2 pa kakailanganin, kaya makaka-secure ka ng PDOS schedule kahit hindi pa ito pirmado ng employer mo... Smiley

kaya kung gusto mong matapos ang POEA processing mo ng isang araw, asikasuhin na agad ang letter of compliance habang naghihintay ng PDOS schedule...

again, depende sa nilalaman ng employment contract yung naka-indicate sa letter of compliance na matatanggap mo... ano bang meron sa letter of compliance? Isipin mo na lang na parang extension ito ng terms and conditions ng employment contract mo na pabor para sa kalagayan mo Smiley

may mga internet rentals naman na malapit sa POEA just in case sarado pa ang Galleria/Megamall pag natapos ka sa Phase 1... ganito ang gagawin mo sa letter of compliance:
1. scan the letter of compliance
2. compose an email addressed to your employer, attach the scanned copy of letter of compliance…
--2.i. tell your employer to acknowledge the content of the letter of compliance by signing and providing the company seal/stamp
--2.ii. tell your employer to send the accomplished letter of compliance (meaning, pirmado na at may company stamp/seal na) by email to [[You are not allowed to view links. Register or Login]] OR by fax +632 722 1176; eniwey, nasa letter of compliance naman po yung email address at fax number Grin
--2.iii. tell your employer to Cc you OR fax you a copy of the accomplished form because you need to submit it for Phase 2
--2.iv. tell your employer you will be expecting his/her response at the soonest time possible, preferably before lunch (basta make it sound urgent)
3. send the email
4. wait for the reply Smiley

dalawa ang critical sa step 2, ito ay dahil:
2.ii. ensure nyo na ipapadala nila sa email address ng POEA ang accomplished letter of compliance (kaya sabi ko i-Cc na lang kayo, imbes na ipadala separately) OR ipa-fax nila sa POEA dahil ive-verify po nila ito pagdating ng document review sa Phase 2 (iche-check ng POEA ang email/fax nila)
2.iv. ang nangyari po sa akin, sinabihan ako ng HR contact ko na wala yung magsa-sign ng letter of compliance, at kinabukasan pa raw darating... pero ayaw kong bumalik uli ng POEA kaya sinabihan ko na lang na maghanap na lang ng ibang tao na pedeng mag-sign on his/her behalf dahil kelangan kong matapos ang processing within that day... ayun, buti naman at napadala before lunch Grin

ang key lang dito ay, again, try to sound aggressive... para sa iyo din yun, para masulit ang processing mo sa isang araw lang...

5. once you received the reply, secure two copies of the accomplished letter of compliance

TIP: at least a day before ka pumunta ng POEA, mag-heads up ka na sa employer mo na BAKA magpadala ka ng letter of compliance na kakailanganin mo rin agad para ma-process ang pagiging legal na OFW mo... this way, makasisigurado kang may pipirma at maa-accommodate ka agad ng employer mo... Wink


POEA, PDOS
technically, ang PDOS ay kino-conduct ng OWWA, pero para less hassle sa atin, sa POEA na ginagawa imbes na sa OWWA building pa...

ang PDOS ay gaganapin sa venue na kung saan ka nag-secure ng schedule during Phase 1, kaya dapat di ka maligaw Grin

kung before 1:00PM ay nandun ka na, pede ka munang mag-fillup ng Absentee Voting Form and have your biometrics taken… basta mag-inquire ka na lang sa may OWWA section kung paano ka makakakuha ng Absentee Voting Form...

pede ding after ng PDOS mag-fillup ng Absentee Voting Form + biometrics, wala pong problema dun... in short, you can have the Absentee Voting Form before OR after, but NOT DURING PDOS hehe…

di ka naman mabo-bore sa PDOS kahit na naging OFW ka na or first time pa lang... 2hrs ang itatakbo ng PDOS pero may mga items na gino-go through na lang at di na kelangan i-discuss in details...

bago lumabas ng PDOS room, antayin munang mabigay yung certificate of attendance mo dahil hahanapin ito sa Phase 2…

may nagpo-photocopy sa gilid ng elevator… pa-photocopy ang PDOS certificate mo (PhP2.00/copy)...


POEA, Phase 2
tulad ng ginawa sa phase 1, kumuha muna ng number para sa phase 2 processing... baba uli ng ground floor at kumuha ng number sa guard on duty (inquire na lang uli sa assistance desk) at kapag naka-secure na ng number, punta uli sa name hire section second floor...

habang hinihintay na matawag ang pangalan, i-check na kasama na sa folder na hawak mo ang PDOS certificate, photocopy ng PDOS certificate  at dalawang kopya ng letter of consent (kung nabigyan kayo nito sa phase 1)... again, by batch of 5 ang pila...

dalawang windows ang nakalaan para sa phase 2, window 9 at window 10 kaya matatawag ang number mo sa kung alinman sa dalawang windows lang na ito... kapag na-check na kumpleto na ang mga documents mo ay kukunin nila ito for further assessment at bibigyan ka ng OFW Information Sheet at Pag-IBIG MDF... sasabihan ka na fill-up-an mo ang mga forms at hintayin mong tawagin ang pangalan mo (opo, pangalan mo na ang tatawagin at hindi ang number mo)... kelangan tapos ka na mag-fill-up kapag natawag ang pangalan mo kaya medyo bilisan na lang ang pag-fill-up ng forms Grin

tatawagin ang pangalan mo uli sa alinmang windows na nakalaan para sa phase 2 para ibalik sa iyo ang mga original documents mo... pagkatapos ay ituturo ka na magtungo sa window 3 (sa name hire section din ito, di mo na kelangan lumabas) para i-assess kung magkano ang kabuuang halaga na kelangan mong bayaran... kung nakapagbayad ka na halimbawa ng PhilHealth para sa taong ito, i-present mo lang ang resibo para ibawas ito sa total fee... naka-paskil naman sa window 3 kung magkano ang babayaran pero para makasiguro ay maghanda ng PhP6,500.00-PhP7,000.00... sa window 3 ay ibibigay mo ang OFW Information Sheet na na-fill-up-an mo...

hindi ka sa window 3 magbabayad, kundi sa window 5... isusulat lang po ng personnel na nasa window 3 kung magkano ang iyong babayaran at ituturo ka sa window 5 dahil nandun po ang cashier... ulit, sa name hire section po ito at wala sa labas...

bayaran ang POEA processing fee, OWWA membership, Pag-IBIG at PhilHealth fees sa window 5 cashier... pagkabayad ay bibigyan ka ng Overseas Employment Certificate o ang pinakamimithing OEC na siyang magiging susi sa iyong pagiging legal na OFW...  Grin

bago tuluyang mamaalam sa name hire section ay kelangan mong i-submit ang Pag-IBIG form sa window 2 upang maibigay sa iyo ang tracking number na gagamitin mo sa pagbabayad ng contribution para sa Pag-IBIG...

OPTIONAL: maaari kang magtungo sa PhilHealth booth sa ground floor, balik-manggagawa section at may windows A-E doon na kung saan maaari kang makakuha ng MDR at Id...

TIP: wag kalimutang magdala ng dalawang ballpen, mahirap manghiram lalo't madami kang kelangang sulatan Grin
« Last Edit: 08/16/12, 10:40 by tagabukidph » Logged

determination overcomes limits...
« Reply #144 on: 07/27/12, 20:00 »
Robe Offline
MPL Junior

**

Reputation Power: 7
Robe is a newbie in MPL
Posts: 37



Hi Jokerjester!

Its quite late but I have the same problem as you had,  I do not have the approval letter with me though. I just want to check on you kung anong solusyon ang ginawa mo?

Maraming salamat!
Logged
« Reply #145 on: 08/13/12, 17:14 »
doll Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
doll is a newbie in MPL
Posts: 1





Hi, I am new here in Malaysia,  am staying here in Kuala Lumpur along with my friends. I am a tourist and I am looking for a job. I've been sending my resume since the day I arrive here in Malaysia. To be exact I arrived here last August 4. But up to this date I don't receive any feedback!  Sad   I was a Online English instructor in Manila and a Call center agent. I am applying for a costumer service here in Malaysia. Could you please give me some ideas and tips on how to get a job here? Thank you!

-Doll
Logged
« Reply #146 on: 08/16/12, 12:30 »
jhito Offline
MPL Senior

***

Reputation Power: 13
jhito is a newbie in MPL
Posts: 126



woooowwww very very informative boss tagabukidph salamat po naang marami, ask ko alng po meron po bang malaysia embassy sa cebu?
Logged
« Reply #147 on: 08/18/12, 21:01 »
Donpobre Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
Donpobre is a newbie in MPL
Posts: 3



Hello mga Kabayan,

Ask ko lang kung need pa ba idaan sa POLO Malausia ang contract para sa Authentication at verification ng contract ko bago maprocess sa POEA Manila.Yun kasi ang advice ng POEA Manila para  sa direct hired sa Malasia. Engineer po ang positon.
Kindly advice po.
Logged
« Reply #148 on: 10/09/12, 23:37 »
Zoey23 Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
Zoey23 is a newbie in MPL
Posts: 2



I need the contact number as well,please.thanks
Logged
« Reply #149 on: 10/09/12, 23:38 »
Zoey23 Offline
MPL Newbie

*

Reputation Power: 5
Zoey23 is a newbie in MPL
Posts: 2



I need ate nicas number too
Logged
 
Pages: 1 ... 13 14 [15] 16 17 ... 33
 


 
Jump to:  


[[Guests are not allowed to chat. Register or Login]]

Like our FB Partners


Week's Popular Topics

trail biking in bukit kiara or FRIM
Views : 135 Replies : 7

I have some Inquiries
Views : 80 Replies : 1

Help keep this site running

Week's Most Active

Categories

MALAYSIA - TRULY ASIA

MPL FUN TOPICS

WELCOME - SELAMAT DATANG

MPL CORNER

CLASSIFIED ADS

Hall of Fame

No Spam!

Please report spam or posts in violation of our Forum Rules by clicking the "Report to Moderator" link at the bottom of the problem posts.

Let's help each other keep MY Pinoy Lah! clean.

Powered by SMF 1.1.17 | SMF © 2011, Simple Machines | Sitemap | Privacy Policy | Disclaimer
TinyPortal © 2005-2012