Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

Login with username, password and session length
May 22, 2012, 07:46:25 PM
Are you new in MY Pinoy lah! forum? Read this first ^_^

MY Pinoy Lah! is an online community for Filipinos in Malaysia. Sino pa ang magsasama-sama sa tawanan and magtutulungan sa problema kundi tayo-tayo din mga kapwa Pinoy!

Kaya meet and greet fellow OFWs (and those planning to work in Malaysia). Kaka-miss ang pinas pero here we can still get a feel for the Philippines through talking to our kababayans. Pwede din dito mag tagalog ah hehe :)

Be part of the Filipino community in Malaysia and do the following the links in the 3 steps (do the M-P-L!). Salamat and welcome dito. Enjoy your stay!
  1. Tara na! Join us na! (Mag-register): click here --> Register at MY Pinoy Lah!
  2. Bago ka lang ba dito? (Pakilala ka): click here --> Introduce yourself to MY Pinoy Lah!
  3. Like niyo Facebook page natin (Like us) : click here --> Facebook MY Pinoy Lah! - Filipino Community in Malaysia
Building a community.. Making friends.. Wherever you are.. Whatever you do.. Kapwa tayo..

Nasa Malaysia nga ako.. Pero pinoy pa din ako lah!


 

Pages: [1] 2
  Print  
Topic: Chicken Adobo - A Love Story Chapter 8 By Panjo  (Read 536 times)
« on: February 07, 2012, 09:22:57 AM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..
« Last Edit: April 16, 2012, 09:52:59 AM by dallas316 » Logged

Keep Moving Forward
MY Pinoy Lah! - Malaysia Pinoy Forum
« on: February 07, 2012, 09:22:57 AM »



 Logged
« Reply #1 on: February 07, 2012, 12:11:54 PM »
protexis
Newbie

View Profile
*
Gender: Male
Posts: 19



san po ung next? excited? hehehe.

ikaw po ba ngsulat nyan Dallas?

galing naman.  Grin
Logged

"The true focus lies between rage and serenity"
« Reply #2 on: February 07, 2012, 03:33:30 PM »
raindear
Jr. Member

View Profile
**
Gender: Female
Posts: 60




.... next....

please....  Grin
Logged

...Life is simple, you make choices and don't look back....
MY Pinoy Lah! - Malaysia Pinoy Forum
« Reply #2 on: February 07, 2012, 03:33:30 PM »



 Logged
« Reply #3 on: February 07, 2012, 04:46:33 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 2

Ginising ako ng isang tawag sa telepono. Nakarating na pala kay Lazaro ang pagbalik ko ng Batangas. Imbitado ako sa early celebration ng birthday ng kapatid niya. Medyo nagdalawang-isip ako dahil may kalayuan ang venue.

Wala na ang excitement sa katawan ko hindi kagaya kahapon na mabilis akong kumilos at maagang dumating sa Art Class. Ngayon, sinadya kong magpahuli sa klase sa pag-asang mapapwesto sa last seat. Inisip kong mag-quit pero sayang naman ang slot na inaasam ng marami. Sikat si Ms. Reynaldo and once a year lamang ang Art Class niya sa Batangas.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa parking para ayusin ang aking sarili. Kinuha ko ang sapatos sa back seat at isinuot. Bumagay ang plain blue shirts sa aking Chuck Taylor sneakers. Noong bata ako, ang nanay ang nag-aabot ng sapatos ko mula sa back seat, gusto ko kasing katabi ako palagi si tatay para madali kong maitanong ang mga bagay na nakikita ko sa daan. Kadalasan ginugulo pa ng tatay ang buhok ko sa tuwing marami akong gustong malaman. "Bata ka pa. Paglaki mo malalaman mo lahat," palaging pagtatapos niya. At ngayon nag-iisa ako sa kotse at lahat ng tanong ay ako na lamang mang kusang sasagot.

Lipad ang isip ko pagpasok ko ng classroom. Sa pintuan ay sinalubong ako ng lumilipad na paint brush dahilan para bumalik ang isip ko. I spent half of an hour in the front of the mirror this morning and I am pretty sure that I still have the qualities or semblance of human being. Wala akong natatandaan na naging member ako ng angry birds para maging target ng galit.

Kathy Belarmino is the angry bird. Kararating ko pa lang kaya wala akong makitang dahilan para batuhin niya ako ng paint brush. Sa likod niya ang ang kumpol ng mga tao na may tila pinagkakaguluhan. Noong namalayan nila ang pagdating ko, biglang nahawi ang tao. Muntik na akong maluha sa pagpigil ng aking tawa ng makita ko ang exact caricature ni Kathy Belarmino. Wide open ang bibig niya, bilog na bilog ang mata at may mga characters na sign ng yelling. Bagay ang caricature sa ugali niya. Nang umalis ang huling taong nakaharang sa canvas, nawala ang ngiti ko.

"Is that me?" I paused. Lumapit ako sa upuan at nakita ng malapitan ang drawing. Confirmed its me. Anong ginagawa ng caricature na 'to sa canvas ko?

"Naghahanap ka talaga ng gulo 'no?" If my memory serves me right, pumasok ako sa Art Class para matuto at hindi para manggulo kaya hindi ako sang-ayon sa babaeng nasa harap ko. Nakita ko naman ang death glare sa babaeng mangkukulam. "Siguro kaya ka nagpahuli ng pag-uwi para insultuhin ako!" Wala akong nakikitang dahilan para galitin siya. Nahuli ako ng pag-uwi dahil hindi ko maisip kong paano ipipinta ang sabaw ng chicken adobo at kung paano hindi magmumukhang papaya ang papatas.

"Hindi ako gumawa niyan!" depensa ko.

"Sinungaling! Canvas mo yan at sino pa ba ang nagmalaki sa paggawa ng caricature?"

Noong nagpakilala, nabanggit kong drawing ang hilig ko. Mahilig ako sa caricature at minsan na akong sumali sa editorial catooning pero wala akong natatandaang nagboast ako.

"Ms Belarmino and Mr Bautista? May problema na naman kayo?" Igagawa ko ng rebulto si Ms Reynaldo pag-uwi for saving my life sa babaeng mangkukulam. "No horse playing in my class."

Most of the time, iniisip ko pa din kung sino ang gumawa ng caricature. Hindi ko naman pwedeng pagduduhan si Ms Reynaldo dahil magkasabay pa kami sa parking at hindi din siya regular na bisita sa venue at late din naman siya dumadating. At ano ang motibo?


I really tried hard to ignore Kathy Belarmino pero isa siyang human disaster. Malamang wala siyang kalaro noong bata kaya may pagkabully. Madali akong maasar sa mga taong makalat, one meter apart kami pero umabot sa pwesto ko ang mga color palletes at tray niya. Para s'yang hindi babae. Iyong isa niyang paint brush na kanina pa hinahanap ay di matandaang nasa buhok niya dahil ginawang hair ornamental sa kulot niyang buhok.

"Bakit mo ko tinititigan?!" talak niya sa akin. Sa boses niya naalala ko ang talakerang role ni Maricel Soriano sa mga pelikula. Sana mabaling naman sa kabilang upuan ang galit niya.

"Hindi kita tinititigan." Umiling ako. "Nevermind."

"So sinusulyapan? I hate guys na kung makatingin ay mula ulo hanggang paa." Okay. So pinipili niya kung kanino siya mean. Unluckily ako ang napili niya.

"I have no bad intensions. Nadadaganan lang ng bag mo ang paa ko at mga palletes mo umabot na hanggang dito." First time sa buong buhay ko ang maging sentro ng atensyon. Average student lang ako dati kaya hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.

Kinabig niya palapit lahat ng gamit niya. Parang batang aagawan ng laruan. Nanlilisik pa ang kanyang mata na tipong nagsesend ng message sa lahat ng espiritu para gumawa ng butas at tangayin ako palayo sa kanya.

"Magkakaway na naman kayo? Hindi ba kayo pwedeng ambassadors of peace?" puna ni Ms Reynaldo.

"Possible. When GMA and PNoy are hugging each other." pabulong na sagot ng mangkukulam.

Hindi na ako nagulat pagpasok ko kinabukasan, our caricatures are hugging each other. At si Angry Bird nagpapadyak na sa galit dahil sa canvas naman niya nakasketch.



itutuloy...
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #4 on: February 07, 2012, 04:47:17 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 3

"Bakit laging ako?" naiiritang wika ni Kathy habang pakaikot-ikot sa upuan. Gusto ko sanang tumutol para sabihing hindi lang siya ang biktima.

"Ako nga kasama din diyan hindi ako nagrereact na parang may nawala. At sino ba namang may gustong ang makasama ang isang warfreak?"

"Sinong warfreak?"

"Ako. Ako warfreak. Hindi naman pwedeng siya," pilosopong sagot ko habang itinuturo ang katabi ko.

"Wala ka na bang magawa kaya idadamay mo ako sa boring na buhay mo?!"

"Ayaw mo nun sumisikat ka dahil sa akin?"

"Ayaw na ayaw ko ng mauulit ito, please lang."

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Sinubukan ko din tumingin sa ilalim baka may naiwang traces ang salarin. May bagay sa likod ng isip ko na nagtulak para alamin ang tao sa likod ng caricature. Dumaloy sa dugo ko ang napanood kong pelikula ni Sherlock Holmes. Hindi ako makikipagbagaan ng galit kay Kathy Belarmino mas pipiliin kong mag-imbestiga. Hahayaan ko siyang magtatalak hanggang maubusan ng hininga.


Mahina at halos pabulong lamang ang side comment ni Kathy kahapon kaya nasa radius lamang namin ang pwedeng gumawa ng caricature na magkayakap. Kung may paghihinalaan ako una sa listahan ang katabi ni Kathy na si Recci. Minsan din siyang naging member ng editorial cartooning kaya posibleng sa lapis din siya nag-umpisa. Hindi naman siguro siya mahirap maging kaibigan. Ilang red horse kaya ang kailangan ko bago siya mapatumba at mapaamin? Sunod kong pinaghihinalaan si Enrico. Siya ang nasa unahan ko at walang ginawa kundi tumawa sa tuwing nadidinig niya ang asaran namin. Gusto ko na ngang sakalin. Siguro natuwa kaya gusto pahabain ang ikwentro. Nasa dugo niya ang pagiging visual artist kaya kailangan ko ng matinding surveillance. Ang huli ay si Erika dahil maaga siyang pumasok.


"Posible kayang maging maamo ang kanyang mukha?" tanong ko sa sarili. "Siguro naman may pag-asa pa." Hindi ako pamilyar sa mukha ni Kathy Belarmino kaya hanga ako sa gumawa ng caricature dahil narecognize niya agad physical qualities namin.

Sinundan ko ng tingin ang bawat lakad ni Ms. Reynaldo sa unahan para hindi mahalatang sinusulyapan ko si Kathy Belarmino. Hindi naman siguro masama kung makipagtunggali ako sa gumagawa ng caricature. Matagal na din akong hindi nakapagdrawing, ang huli pa yata ay sa upuan ng JAC Liner bus.

Nasa chin ang isang kamay ni Kathy habang ang isa ay may hawak na lapis. Ganun pala ang itsura n'ya kapag tahimik hindi katulad kanina na parang galing sa planet of the apes. Sinimulan kong gumawa ng doodle para maging pattern ng kanyang itsura. Dahil nakikinig din ako sa mga sinasabi ni Ms. Reynaldo hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang kanyang petite na pangangatawan, manipis na kilay na tila magkakasalubong lamang na langgam, kulot na dulo ng buhok, maputing batok, mga kukong may hugis puso, Dolce and Gabbana na scent at brasong may Herbs and Beauty Lotion. May kalalalim kasi ang discussion ni Ms. Reynaldo sa painting ng four horsemen ni Darius I kaya nawalan ako ng oras para obserbahan siya.


Mission 101: Kaibiganin si Recci at lasingin para umamin.

"Matindi ang tama mo! Inlove ka!" wika ni Recci habang tinatapik ang aking balikat. Kung nakatagal-tagal pa ay tatamaan na din siya sa akin. "Bagay kayo ni Kathy!"

"Malabo 'yan! Ang tipo niya ang hindi ko magugustuhan!" Tinapik ko din siya sa balikat para makaganti naman. "Kung may sequel ang godzilla pwede siyang bida."

"Denial 'dre? Hindi makakalampas sa akin ang mga kilig moments na iyan! Ganyan din ang sinabi sa napanood kong Crazy Thing Called Love! Ilang araw mula ngayon makikipagbuno ka na sa pana ni kupido. Ewan ko lang kung makailag ka."

Sabi ni Newton, an object will remain at rest unless acted upon by a moving force. Ano kayang klaseng force ang dapat kong ibigay sa kausap ko para mag-remain at rest habang buhay?

"Itigil mo na ang panonood ng TV, masama sa'yo." Kumuha ako ng isa pang bote ng Red Horse sa chiller habang inuumpisahan ni Recci na lagyan ng ketchup ang paborito kong hotdog sa 7-eleven. Kita ko kung paano sumablay sa paglalagay ng mayonaise ang aking unang suspect. Lasing na. Sana. "Okay ang sketches mo dito ah? wika ko habang binubuklat ang lumang album sa ilalim ng mesa. Inabutan ko pa siya ng isang bote para tuluyang mawala sa sarili.

"Wala 'yan. Luma na iyan!"

"Family mo? Galing ah. Hawig don sa caricature sa Art Class ang istilo."

"Aling iyong magkayakap kayo ng syota mo? Ganda ba? Pilit mo talagang binalik sa chicks ang usapan."

"Oo. Ano kayang medium ginamit don?"

"Charcoal lang iyon 'dre tapos oil para buhay ang dating." Medyo nabubuhayan ako ng loob. Mukhang makikilala ko na ng salarin. Motibo na lang ang gusto kong malaman.

"Bilib din naman ako at mabilis mong natapos ang drawing."

"Alin ba pinag-uusapan natin? Iyan ba o ang sa Art Class."

"Sa Art Class."

"Gulo mo naman kausap. Huwag mo nga akong lokohin, gusto mo lang purihin kita sa drawing mo! Nagpapaimpress ka lang kay Kathy! Type ka nun! Saten lang 'to ha, kita ko si Kathy gumagawa ng sketch mo napatigil lang kasi akala nakatingin ka sa kanya kanina. Sinundan mo lang pala ng tingin si Ms. Reynaldo. Muntik pa nga siya mapatili."

"Ano?"

"Bingi? CR lang ako dre." Tumayo si Recci dahil may tama na medyo nawalan siya ng balanse. Aksidenteng natabig ang bag ko at sumambulat ang laman.

Pinulot niya ang sketch pad ko at nakita ang doodle ko kanina. "Positive. Asintado si kupido."

itutuloy...
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #5 on: February 07, 2012, 04:49:23 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 4


Sa sofa bumagsak ang lasing na katawan ni Recci. May yugto na nagsasalita siya, nagngangalit ng ngipin at dagdagan pa ng sumiserenang hilik. Papikit na din sana ako nang bigla siyang tumayo. Naalimpungatan. Papasok na daw siya sa kwarto niya. Nakalimutang wala siya sa bahay nila at inakala pang kwarto niya ang banyo.

Inihatid ko pauwi si Recci. Buti na lamang at tabing daan ang bahay nila kaya hindi mahirap hanapin. Dalawang tao ang sumalo kay Recci pagkababa niya ng sasakyan. Kung nasa katinuan na siya malamang gugustuhin muling malasing dahil sa nakatutulig na sermon ng kanyang lola.

Si Enrico ang sunod kong target. Mas trip ko siyang sakalin para umamin. Sobrang lakas niyang tumawa kapag kami ang subject ng kalokohan. Medyo may kalakihan nga lang ang katawan kaya kakaibiganin ko na lang muna.

Nakaramdam ako ng hilo habang nagmamaneho, dahil siguro sa pagod, bitin na tulog at hindi pantay na gulong na kotse. Huminto ako sa 7 eleven para bumili ng isang boteng redbull. Makatutulong siguro iyon para mapanatili akong focus sa mga susunod pang oras.

Sa bawat lagok hindi ko mapigilang mag-isip. Kung nakita ni Recci na gumagawa ng sketch si Kathy Belarmino, so pwede siyang suspect? Sa anong motibo? Ewan. Kung isusumbong ako ni Recci kay Kathy malamang maging supect din ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ano bang kaguluhan ang napasok ko?

Malakas ang sampal ng hangin sa aking mukha kaya unti-unti akong napapaidlip. Tinapakan ko ang gas ng sasakyan para umandar pero nakalimutan kong hindi pa buhay ang makina. Sobra na ang antok siguro. Ang malakas na boses mula sa labas ang nagpabalik ng aking ulirat. Sumisigaw ang lalaki habang hawak nito sa braso ang babae nakatalikod sa kanya. Pinipilit sigurong sumama.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari. Idinuyan na ako ng hangin kaya napahimbing ang tulog. Walang nagtangkang magnakaw sa kotse sa takot nilang mamatay sa tetanus. Pagmulat ko na lang nag-iisa na ang babae habang nakaupo sa sidewalk. Dalawang bote ng alak ang nasa tabi niya at may isa pang nakatumba malapit sa kanyang paa. Nakatungo siya habang hawak ang isang papel. Maraming lalaki ang nanonood sa kanyang itsura pero wala siyang pakialam. Sa lagay niyang iyon maraming bwitre ang handang sumalakay sa karne sa sandaling makalingat ito at tamaan ng alak.

Tulad nga ng inaasahan, nawalan na siya ng balanse noong sinubukang tumayo. Gumulong sa gilid ng kalsada ang mga bote. Delikado na sa kanya kung mananatili pa siya doon. Lumabas ako ng kotse para tulungan siya. Humarap siya sa aking habang papalit ako. Hindi nawala ang kanyang pagkakatitig. Ngayon lang yata nakakita ng pogi.

"Batista!" sigaw niya sa akin. Kailan pa kaya ako naging wrestler. "Hanggang dito ba naman makikita ko pa din ang pang-asar mong mukha.."

"Bautista hindi Batista."

"Whatever! Malamang idrawing mo naman ako kaya ka nandito.."

Medyo nagdalawang isip pa ako kung tutulungan siya. Bahala na. Ano kayang mangyayari kung ang isang may tama ng alak ay tutulungan din ng nag-aasal superhero na may tama na din. Disaster?

Umupo ako sa tabi niya at itinayo ang bote ng alak, hindi niya pa kailangan ng tulong dahil nakakapang-asar pa. "Luha ba iyan?" Hindi siya nagsalita. Kinusot lang niya ang kanyang mata. "Ang alak ay pinag-aralang mabuti ng mga eksperto para gamitin sa mga kasiyahan... hindi para malungkot. Kaya mong sayangin ang totoong purpose ng alak."

"So hindi sila masyagong matalino. Hindi siguro nila naisip ang other purpose ng alak."

"Delikado na dito. Mabibilis na ang mga sasakyan mamaya. Baka hindi ka mapansin."

"Ipininganak ka ba talagang pakealamero? Kamag-anak mo ba si Boy Abunda?"

"Hindi ko lang alam ang tamang approach. Pero concern lang ako. Hindi tamang manatili ka sa tabi ng kalsada. Bukod sa gabi na, puti ang suot mong pantalon... madudumihan."

Gotcha. I made her smile. Pilit pa pero hindi din napigilan. "Ano ding ginagawa mo dito? Gabi na."

Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi pa siya sumama doon sa lalaki kanina pero alam kong wala ako sa lugar para mag-usisa pa.

"May binili lang, malayo pa kasi ang uuwian ko e inaantok na. Bitawan mo na ang iniinom mo hindi mo na kayang tumayo e."

"Gusto ko lang makalimot. Kahit sandali."

"Iyon ba ang tama? Subukan mo kayang matulog? Ang pagtulog at pag-iinom, iisa lang ang epekto parehong makakalimot kahit pandalian."

"So anong gusto mong gawin ko? Tumawa? Magpretend na masaya?"

"Sa klase parang gusto mo palagi ng away, tapos ngayon parang mas mahina ka pa sa dagang bagong anak. Alam mo ang tama, imposible namang ngayon ka pa lang nakaranas ng ganyan. Hindi ko naman sinabing gayahin mo si Jollibee na palaging nakangiti."

Nakumbinsi ko siyang umalis sa tabi ng kalsada. Mahirap palang magpahinahon ng dragon.

"Paminsan naman pala okay ka e! May words of wisdom ka pa, feeling matalino."

"Aba, muntik na kong maging valedictorian kung hindi pangit ang penmanship ng katabi ko."

"Kaya ayaw ko ng kids party, corny ang mga clown. Oh tagay mo!" alok niya sa akin habang tinatapik ang aking balikat. "Magsasaya naman ako ngayon."

"I hope maging start na 'to ng friendship natin," wika ko. Alam ko ang mga ganitong pagkakataon madalas kong mapanood sa tv at mabasa sa mga kwento. Tipong ang dalawang magkaaway bigla na lamang magkakasundo. Luma na pero click pa din sa panlasa.

"Magsorry ka muna sa mga kalokohan mo!"

"No. Hindi ako ang gumagawa ng mga caricature."

"Bakit hindi ka man lang apektado kung hindi ikaw?"

"Hindi kasi ako isip bata."

"Hoy Batista, kung iniisip mong isip bata ako nagkakamali ka!" Lumayo ako ng konti kay Kathy dahil alam kong nasa panganib ang buhay ko sa oras na tumama sa akin ang matulis niyang kuko.

"Okay sorry. Pero hindi pa din ako ang gumawa ng caricature gusto ko lang ng peace sa tuwing papasok ako ng Art Class."

"Chicken ka kasi."

"Ano?"

"Chicken."

"So you mean duwag ako?"

"Hindi ko alam. Matanong kita, nagkaroon ka na ba ng girlfriend? Sa tipo mo mukhang mahihirapan ka lalo na't hindi ka makabasag pinggan."

Alam ko mang-aasar lang siya kaya nagtatanong ng kung ano-ano. Hind ako kakagat. Malabo.

"Meron. Hindi ko lang inugaling magkwento ng mga bagay tungkol diyan."

"Gentleman kuno. Tara!" Tumayo siya gamit ang aking balikat.

"Saan?"

"Hindi na ako komportable dito. Mas mabuti siguro kung sa mas maayos na lugar tayo mag-usap."

"Ayaw mo pang umuwi? May tama ka na e."

"Tatamaan ako kapag umuwi. Halika!"

Ang sikat ng araw na tumagos sa bintana ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Gumuhit sa aking ulo ang sakit na alam kong epekto ng alak. Mabigat ang aking katawan na tila may nakadagan. Nakaramdam ako ng pagbigat ng pantog kaya kailangan kong bumangon.

Babangon na sana ako ng kama nang makaramdam ako ng pagkilos sa aking tagiliran. Kinabahan ako. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tamaan ng buntong-hininga akong aking batok. Iniangat ko ang kumot. May nakadagang paa sa aking mga binti kaya pala nakararamdam ako ng pagbigat.

Lumingon ako sa kabilang parte ng kama. Patay.

itutuloy.
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #6 on: February 07, 2012, 04:51:03 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



san po ung next? excited? hehehe.

ikaw po ba ngsulat nyan Dallas?

galing naman.  Grin
'

hello Sir Smiley

yan pinost ko na laht ng chapter na available Smiley on going paren ang kwento Cheesy

si Panjo po ang mahy akda Smiley magaganda po tlga ang mga sulat nya Cheesy

check mo po un ibang post ko here like Hu U? By Panjo Smiley

thanks!
« Last Edit: February 07, 2012, 04:53:04 PM by dallas316 » Logged

Keep Moving Forward
« Reply #7 on: February 07, 2012, 06:19:29 PM »
raindear
Jr. Member

View Profile
**
Gender: Female
Posts: 60



 Sad

Wala na....

Na miss ko tuloy chicken adobo ni tatay....  Grin
Logged

...Life is simple, you make choices and don't look back....
« Reply #8 on: February 20, 2012, 10:38:48 AM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 5
-------------------

"Bakit nasa tabi ko ang babaeng to?" Anong gagawin ko kapag nagising ang babaeng ito? Hindi pa naman ako marunong magpaamo ng dragon.

Iniangat ko ng marahan ang paa ni Kathy Belarmino na kasing bigat ng trosong itinumba ng bagyo. Tumayo ako ng kama at maingat na naglakad palayo. Nasalubong ko pa ang picture nina erpat na tila nakangiting nang-aasar bago ako pumasok ng banyo. Ipinangako ko pa naman sa kanila na hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng aming apelyido.

Ibinabad ko ang aking mukha sa lagaslas ng tubig mula sa gripo. Wala akong paghugutan ng alaala kung ano ang nangyari at kung paano ako nakauwi kagabi. Chineck ko ang dapat icheck. Hindi malinaw. Ang tangi kong natatandaan ay ang mga detalye sa pagdaan namin sa isang music bar. Nakadalawa o tatlong kanta siya sa stage. Akala ko noong una ikakahiya ko ang pagkanta niya pero sa halip naging proud ako. "Kasama ko 'yan!" sigaw ko pa kagabi. Muntik mawalan ang trabaho ang vocalist. Kung may dala akong ballpen malamang nagprisinta agad akong maging manager. Napatunayan kong matataas talaga ang boses ng mga nagger na tao. Sana kapag magkausap kami palagi siyang kumakanta para naman may lambing.

"Alam mo ba kung ano ang tanging paraan para makinig o kausapin ang puso?" tanong sa akin ni Kathy.

"Ano?"

"Music. Aminin man o hindi ng tao, may pagkakataon na umpisa pa lamang ng tugtog masaya na o maiiyak na agad."

Magsasalita pa sana ako nang may lumapit na lalaki kay Kathy Belarmino. Archie ang pakilala ng nagkukunyaring bida sa kwento ito. Eh ano ngayon kung nagsusumigaw ang muscle niya sa suot na sando, dakilang extra pa din siya. Hindi bale, kapag sinipag ako pwede ng ihilera kay Jake Cuenca sa paramihan ng tinapay sa tiyan. Medyo hindi ako natuwa sa takbo ng sunod na mga eksena, parang walang companion si Kathy kung umasal. Nagkaroon pa ng exchanges ng numbers. Ang nakapagtataka, halos magdikit ang ilong nila habang nag-uusap. Samantalang kanina pudpod na ang brush hindi pa naipipinta ang kanyang mukha sa dami ng luha. Weird. "Hello World, kasama mo ako Kathy!" sigaw ng isip ko.

Gusto ko sanang magsalita na pero nagsettle na ako sa harap ng bar. The best ang reposado tequila sa larangan ng lasingan. Iyong barista na si Andrea na inakala kong galing sa buwan ay bigla na lamang nagsalita. Kung hindi nga niya ako kinalabit sa braso hindi ko malalaman na ako ang kausap niya. Nagkwento tungkol sa kausap ni Kathy, kung may competition daw ng Mr. Flirt malamang undisputed si Archie. Sa itsura naman ng bar, lahat siguro ng papasok doon ay open flirting.

"Kaya ikaw, iingatan mo ang girlfriend mo! Malayo ang ugali ni Archie sa pinakikita niya!" dugtong ni Andrea.

"Hindi ko siya girlfriend, " sagot ko. "Tsaka malaki na 'yan, hindi na siguro siya padedehado sa ganitong klase ng kalandian."

"Concern lang ako sa kaibigan mo."

"Hindi siya matututo ng tama kung hindi niya alam kung paano magkamali. Minsan lang siya maging center of attraction kaya hindi ko na i-spoil ang pagkakataon na iyon."

"Maganda siya para maging kaibigan mo lang at mukhang bait naman."

"Nakapanood ka na ba ng cinderella noong bata?"

"Oo naman. Bakit? Mala-cinderella ang buhay niya?"

"Oo. Siya ang evil sister. Hayaan mo na muna sila. Sa ngayon, lets enjoy."

"I'am Andrea. Barista, gitarista, gimikera at minsan voice coach."

"Andrea.. Nabasa ko nga sa nameplate mo. I'm Rafael. Entrepreneur minsan tumatanggap din ng labada."

"Bukod pala sa pagiging cute, palabiro ka."

"Ang pagiging cute natural na pero iyong palabiro depende na sa kausap."

"Ganyan ka ba talaga? Parang nakapalalim mo na tao. May laman ang sinasabi."

"Kapag tinatamaan lamang ng alak. Pero kung wala, kagaya mo lang din ako, hindi madamot ngumiti at madali makaappreciate."

"So kapag nakasalubong kita ng walang tama, ngingitian mo agad ako?"

"Syempre! Malayo ka pa lang nakangiti na agad. Mas matindi pa sa ngiti ni Mc Donalds."


Siguro lahat ng barista built-in na ang pagiging friendly. Daig pa nila ang mga hunyango sa larangan ng adaptation. Habang nagkukwento siya lumalaki din ang binabayaran ko. Lumabas ako ng bar para lumanghap ng smoke-free na hangin at para masagip ang bulsa ko sa pagguho. Ano kayang nangyari na kay Kathy Belarmino? Hindi ko na siya napansin kanina sa karamihan ng tao.

Tinatamaan na ako ng antok. Hindi ko na mahintay si Kathy. Napagdesisyunan kong bumalik ng kotse at doon na lamang maghintay. Naglakad ako sa tuwid na linya ng parking lot, ilang beses akong sumablay kaya alam kong mas matangkad pa sa akin ang tama ko.

"Anak ng tinola!" Iyong hinihintay ko nasa kotse na. Prenteng prenteng nakahiga sa back seat.

--

May bisita nga pala ako. Sumugod ako sa kusina para maghanda ng pagkain. Isinabay ko na din ang paglilinis para hindi naman pagkamalan na entrance ng jungle. Totoo nga palang may pagkakataong hindi matandaan ang nangyari kapag diluted ng alcohol ang utak.

Kumuha ako ng yelo sa ref. Binalot ko ng tela ang yelo matapos ay idikit ko sa aking ulo. Ilang minuto akong nanatiling sa ganoon itsura. Daig ko pa ang binubog sa tindi ng sakit ng ulo. Ilang beses ko ng isinumpa ang alak pero talaga malakas ang bisa. Bakit nga ba ginawang masakit sa ulo ang alak?

Nakatulog na pala ako sa mesa. Tumakbo ako sa kwarto para gisingin ang babaeng nagpapagulo ng buhay ko. "Kathy?" Wala. Bukas ang banyo wala din siya doon. Pagtingin ko sa salamin may catsup ako sa pisngi. Malamang pinaglaruan ako ni Kathy noong natutulog at nakuha pa akong lagyan ng catsup. "Napakaloko."


Hindi ko alam kung papasok pa ako. Parang may multong sasalubong sa akin sa Art Class. Huwag naman sanang may caricature na nadaganan ng hita sa kama. Lahat ng bagay pakiramdam ko ay nasa slow phase. Tinalo ko pa ang member ng Armegedon sa bagal ng lakad.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Kathy Belarmino. Nakahalata ang may babaeng may kasing bigat ng troso na hita.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari kagabi. Nakakahiya naman itanong. Hanggang music bar lang ang kayang balikan alaala ko. Okay aaminin ko, dumikit ang labi ko sa pisngi niya. Pero hindi ko iyon sinasadya. Sinubukan ko lang ayusin ang higa niya sa backseat para hindi mahulog kapag umandar ang ang kotse. Inagaw na ng alak ang lakas ko kaya hindi na kinaya ng katawan ko ang bigay ni Kathy. Nanghina ako kaya sinubukan ko na lang siya iupo at isandal. Hinawakan ko siya sa balikat, hindi ko naman inaasahan na biglang gagalaw ang ulo niya kaya biglang dumikit ang pisngi niya sa lips ko. Aksidente lang. Wala naman siguro masama. Okay, okay! Naguguilty ako. Malapit sa lips niya hindi talaga pisngi. Oo na! I kissed her! Kung kiss man ang tawag dun! Matagal agad ako nakakilos kagabi kaya hindi agad ako nakapagdrive para kasing may kuryenteng dumaan sa katawan ko. Weird nga e.

"Hindi. Nalimutan ko ang gamit ko sa kotse. Kukunin ko lang."

"Talaga? Hindi diyan ang parking. Sa kabila."

Patay. Sobrang bobo ko magdahilan. Nagbubuhol ang dila ko wala pang lumalabas na magandang alibi. "Oo nga pala."

"Batista!" Kalahati palang ang nagawa kong hakbang at hindi pa sumasayad sa semento, sumigaw na agad siya. Nanginig ang buong katawan ko. "Payong oh, umuulan. Salamat sa breakfast."

itutuloy..
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #9 on: February 21, 2012, 09:49:40 AM »
jhaypee
Moderator
Hero Member

View Profile
*****
Gender: Male
Posts: 954



yahhhhhhhhoooooooooooooo cge pa cge pa
Logged



I have love a girl once sad to say the return type was void....
MY Pinoy Lah! - Malaysia Pinoy Forum
« Reply #9 on: February 21, 2012, 09:49:40 AM »



 Logged
« Reply #10 on: March 06, 2012, 06:38:49 AM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 6




Parang saranggolang tinatangay ng hangin ang isip ko sa loob ng Art Class na tipong kung hindi matibay ang pisi ay mawawala na lamang bigla. Kutob ko parang may kakaiba na namang mangyayari. Natigil na ang gumagawa ng caricature pero napa-paranoid naman ako sa muling pagsulpot nito.

Si Kathy nakangiti sa akin kapag napapalingon ako sa kanan. Bakit kaya? Nakapagtatakang hindi death glare ang salubong niya sa akin kanina at nagpasalamat pa sa breakfast. Kahit naman bata siguro ay marunong magprito ng hotdog kaya wala akong naiisip na dahil para maging instant ang bait niya sa akin. Posible kayang nag-enjoy siya sa hotdog kaya ganoon ang ngiti niya?

"Pwede ka bang maging idolo?" wika ni Recci habang tinatabig pa ng ilang ulit ang aking siko.

Napakunot naman ang noo ko sa sinasabi ni Recci. "Tumigil ka nga! Ikaw dapat ang maging idolo ko dahil hawig mo iyong artista! Si Vince Ganda!"

"Huwag mong ibahin ng bida sa kwento ito. Balita ko may chicks ka daw kagabi."

Gusto ko sanang pilipitin ang ilong ni Recci para irewind ang sinabi niya. Paano nalaman ng senglot na ito na may kasama ako kagabi? Laglag ang tuka niya sa bahay pa lamang. Hindi na nga kinaya ng kasamahan niya sa bahay ang bigat niya sa sobrang kalasingan tapos ngayon sagap na niya ang pinakalatest na chismis. Ipinagkakalat kaya ni Kathy na magkasama kami kagabi? Sa ngiti ni Recci mukhang alam niya pati ang pagtulog namin ng magkatabi.

"Anong chicks na sinasabi mo dyan?" depensa at pakunyari kong walang alam. "Kung saan mo man nabalitaan yan paniguradong nanaginip ka lang. Lasing ka pa siguro."

"Talaga? Kaya pala lutang ang isip mo kakaisip kay Andrea." Andrea? Buti na lang. Akala ko si Kathy ang tinutukoy niya pero bakit narating pa din sa kanya iyon. "May Andrea ka na napaamo pa ang leon! Kakaiba ka, idol"

"Sino namang leon?

"Eh 'di si Kathy mo."

"Nagtataka nga din ako e. Bigla na lamang bumait si Kathy."

"Ingat ka lang dre. Sa napapanood ko sa Discovery Channel ganyan talaga ang mga leon kapag in love. Mabait sila sa lalaki pero nanlalapa na kapag hindi pinagbigyan lalo kapag may pumasok sa teritoryo niya. Kaya paniguradong babantayan ka niyan!"

"Puro ka naman kalokohan. Paano mo nalaman niyan? At kilala mo pa talaga si Andrea."

"Kay Archie. Sikat iyon dre sa kapreskuhan. Andito siya kanina, mukhang may karibal ka kay Kathy. Huwag mong hahayaang siya ang maging bida! Once na minvolve si Kathy sa circle ni Archie paniguradong sira ang buhay niya."

"Ano bang bidang pinagasasabi mo diyan? At never akong nagkaroon ng interest kay Kathy. Wala na silang subong pacifier pa hindi malaman ang mali at tama."

"Si Kathyyy!" Halos lumipat sa bumbunan ang puso ko sa sigaw ni Recci. "Bilis ng reflexes mo! Iyan ba ang walang interes?"

"Tumigil ka nga baka madinig ka!"


Hinintay namin ang pagdating ni Kathy na tila naglalakad sa alon ng dagat. Kung may katabi siya malamang napinsala na ang bewang sa tindi ng paggalaw ng kanyang balakang. Bibihirang pagkakataon na makita ko siyang maging kilos dalaga.


"Pwede ba kitang makausap?" panimula ni Kathy. Sa tono pa lang may naamoy na akong panganib. Hindi ko hilig ang pakikipagtalo kaya nakikinig na lamang ako sa mga sasabihin niya.

"Sa linya pa lamang alam kong dapat na akong umalis. Paano dre, aabangan kita sa Discovery Channel!" paalam ni Recci na may halong ngiti ng pang-aasar.

Naglakad kami papunta sa parking may halos isang metro ang layo sa isa't isa. Halatang nagkakailangan. Gusto niya akong makausap pero kahit isang salita wala naman siyang binibitawan. Ano mang oras mula ngayon alam kong uungkatin niya ang buhay ko. Wala akong alam kaya anong isasagot ko.

"Coffee muna tayo?" alok ko para naman maging comfortable kami sa isa't isa. "Tamang tama medyo malamig."

"Baka may lakad ka o ibang tao ang gusto mo yayaing magkape."

"May ibang tao ba dito? Unless may nakikikita kang ibang nilalang."

"Hindi ko alam. Nakatulog na nga ako sa sasakyan wala ka pa e. Busy ka sa pambabae."

"Woh stop! Womanizing is not my thing. Sino kaya itong nakikipag-usap na magkacross pa ang kamay habang umiinom ng alak at halos magdikit na ang ilong?" Napailing na lamang ako sa pinagsasabi ni Kathy. Hindi niya ako pwedeng husgahan ng ganoon. "Pasalamat nga ako sa barista hindi ako nainip habang invisible ako sa paningin mo. Nalimutan mong may kasama ka kagabi Kathy!"

"Talagang tinitingnan mo pa ako ha? Toxicated ako kagabi at hindi mo man lang ako pinigilan."

"Ikaw ang nagyaya sa lugar na iyon. Ihahatid na nga sana kita sa inyo kaso ayaw mo pa. At mukhang enjoy ka naman sa pakikipagharutan e."

"Sa tono ng boses mo parang may pakialam ka. Nagseselos ka?"

"Hindi no! Anong gusto mo kiligin ako sa pinaggagawa ninyo? Sige next time."

"Okay! Sorry for being stupid. Naguguluhan lang ako sa mga nangyayari."

Sumakay ako ng kotse na tila walang nadinig. Isinenyas ko ang kamay ko at sumunod naman
siyang pumasok ng kotse. She's acting weird. Kanina nakangiti siya ngayon parang lalaban ng rap battle na hindi nauubusan ng pamatay na linya.

"Just relax. Mag-usap tayo ng mahinahon."

"Si Archie nandito kanina. He wanted to date me."

"So go! Bakit kailangan mong sabihin 'yan! Don't act na I'm your dad."

"Ayoko! Ni hindi ko nga matandaan kung ano nangyari kagabi!"

Hindi niya matandaan? Posibleng hindi din niya alam kung bakit siya nasa bahay at kung bakit magkatabi kami. "Ikwento ko sa'yo.."

"Stop!" Palundag niyang tinakpan ng kanyang kamay ang aking bibig. Nawalan ako ng balanse at aksidenteng napadagan siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko mapigilang mapangiti. Siguro sa pang-aalaska ko sa kanya. Ngumiti din naman siya at tinapik pa ako sa tagiliran.

Biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Si Recci. "Sa bahay n'yo na ituloy 'yan!"

Inayos ni Kathy ang kanyang sarili. Namula pa siya at sumimangot. "Ikaw kasi!"

"Anong ako? Ikaw itong basta na lang dumagan sa akin!"

"Hoy! Kung hindi ka lampa, hindi ka madadaganan."

"Sorry kung hindi ko kasing macho ni Archie."

"Stop it."

"Teka. Nababahin ako. Ha-rchie!!"

"Nang-aasar ka!!!"

"Hindi. Nabahin lang. Bakit ba parang mabait ka yata ngayon? May kailangan ka siguro?"

"Wala naman. Nagpapasalamat lang ako kasi sa dami ng tao ikaw pa ang tutulong sa akin kagabi. Kung wala ka siguro malamang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. "

"Ano ba kasing drama ang pinasok mo? May tumutulong naman sayo kagabi di ba? Sino iyon?"

"Wala iyon! A man from the past. Nakikipagbalikan hindi naman naging kami."

"Kawawa talaga kaming mga lalaki..."

"Kapal naman ng mukha mo sabihin iyan."

Aaminin ko si Kathy ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin pero hindi ko maitatangging napapangiti niya ako kahit sa mga simpleng galaw niya. Mula facial expression hanggang sa paghaba ng nguso. I may say na hindi complimentary ang ugali namin siguro mas mabuting tawaging supplementary. Kung ano ang wala sa isa nandoon naman sa isa. Kaya kahit lagi kaming nagbabangayan nauuwi din sa ngiti.

"Kung wala lang sayo ang lalaking iyon bakit kailangan mong umiyak at magpakalango sa alak?"

"May mga bagay kasing pinagsisihan ako. At hindi ko matanggap na ang paglunok ko sa aking pride ay hindi matutumbasan kahit katiting."

"Kapag magbibigay ka, huwag umasa sa kapalit para hindi ka masaktan. Hayaan mong kusang dumating ang mga bagay dahil maaring sa kahihintay mo ng kapalit may nakalampas ng mas dapat mong pinahalagahan."

"Iyon nga e. Sablay ako e. Bobo." Sumandal si Kathy sa upuan at humugot ng malalim na hininga.

"Hindi ka bobo. Nagkataon lang na mali ang pinili mo. Hayaan mo sa dami ng pagpipiliin malamang kahit isa may tatama na!" Hindi na siya tumugon. Nakatulog na pala.

Inihinto ko ang kotse sa harap ng cafeteria. Tinatapik-tapik ko ang steering wheel, pinag-iisipan ko kung gigisingin ko ba si Kathy. Napakapowerful ng mata niya pero kung tulog naman para mas maamo pa sa alaga kong tuta.

"Oh bakit titig na titig ka sa akin?" tanong niya. Muntik pa akong magpanic nang bigla na lamang nagsalita si Kathy. Natutulog kaya ito o nagtutulug-tulugan lang? May rush sa pintig ng puso ko.

"Hinihintay ko lang magising ka, magkakape tayo di ba?"

"Hindi naman ako natutulog. Nirelax ko lang ang sarili ko.. Aminin mo nga, mabigat lang ang mata ko kanina pero bakit parang katabi na kita e ang alam ko natutulog ka sa sofa?"

"Ano sa palagay mo?"

"Seryoso ako, bakit ka nasa tabi ko?"

Patay. Ano bang isasagot ko?


itutuloy...
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #11 on: March 12, 2012, 01:19:07 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 7

-----

Kung bibilangan ko ang ikot ng kamay ng relo malamang sapat na iyon para makarating ako sa ibang planeta. Hindi na siguro ako masusundan ni Kathy Belarmino kung doon ako magtatago. Kung toxicated siya kagabi sa alak, ako naman ay nagkaroon ng amnesia. Swerte siya at alam na sa sofa ako nakatulog. Ni detalye ng pag-uwi namin sa bahay wala akong natatandaan.

"Caffe Latte and Mocha Frappucino, tall."

"Name sir?"

"Rafael.." Saludo din ako sa mga barista. Hindi nawawala sa focus and alam kong nag-eenjoy sila sa ginagawa nila. Namamangha ako sa bilis ng kanilang kamay at sa bilis ng kanilang connection sa kaharap. Parang napakahiwaga ng pinagkukunan nila ng natural na ngiti sa kabila ng bilis ng kilos nila. Ito nga siguro ang tinutukoy ni erpat na wala sa akin. Kailanman man hindi ako tumagal sa mga pinasok kong career o pinagkakaabalahan. Madali akong magsawa lalo na kapag hindi ako nakararamdam ng fulfillment. Sa una nakasasabay ako sa agos, sa kalagitnaan gagawin ang mga bagay ng paulit hanggang sa bandang huli ay mawalan na ng push para magpatuloy, isang cycle na nakasawa. Nakakapagod.

"Ano bang gusto mo?" tanong ni erpat noong minsang inihatid niya ako para sa isang job interview. Pang apat kong trabaho kung sakali iyon sa loob ng isang taon.

"Hinahanap ko pa din po," sagot ko.

Bakit nga ba ako nasa Art Class? Namiss ko ba ang luto ni ermat o hinahanap ko pa din ang bagay na makapagpapasaya sa akin? Ang depression na bumabalot sa ulo ko noong pumanaw ang parents ko ay inakala kong mawawala sa pag-alis at byahe sa iba't ibang lugar pero hindi pala. Pagtakas ang pinili ko hindi pagtanggap. Noong tumapak ako ng pintuan ng Art Class tension ang sumalubong sa akin. Laging threatened ang buhay ko sa bawat araw. Palaging nasa dulo ng daliri ko ang aking huling hininga. Hindi ko namamalayan, unti-unting nawawala ang lungkot na dumadaloy sa aking sistema. Sa kabilang banda may nagbago sa akin. Siguro dahil nakita ko ang aking sarili sa Art Class. Oo tama. Pero hindi. Isang tao lamang ang nagpabago ng lahat. Ang babaeng may malaking keychain sa bag. Si Kathy Belarmino.

"Hoy! Bakit parang hindi maubos ang ngiti mo d'yan!" puna ni Kathy habang papalapit ako sa kanya. Bakit nga ba ako nakangiti? Wala naman dapat ikasaya dahil alam kong kakabahan na naman ako lalo pa't sasapian ng espiritu ng kape. "Nambola ka na naman siguro ng barista."

Poker face for you Kathy Belarmino! Alam kong boring akong tao kaya imposibleng makapambola pa ako. "Jolly person ako, accept that. Isa pa, mas madali ang ngumiti kesa sumimangot."

"Oo na! Huwag mong iligaw ang usapan. Gusto kong malaman kung bakit ka nasa tabi ko kagabi. Hindi kita mapapatawad kung may ginawa kang hindi maganda!" Ang eyelids niya muntik ng maglaho. Seryoso siya alam ko. Buti na lang napaghandaan ko na ang isasagot. Sapat na ang itinagal ko sa loob para makapag-ipon ng paliwanag. Sasabihin ko lang na nagbanyo ako at nilalamok sa sofa. Tumabi lang ako ako sa kanya pero walang malisya. "Batista!"

"Maghintay na lang tayo ng isang buwan!" natarantang wika ko pagkatapos niyang tapikin ang mesa.

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Tulad mo blangko din ako." Pinakamabuti na sigurong magsabi ng totoo mas lalo akong mabubuking na nagsisinungaling kung sisigawan. Tama si Recci mukhang mapapanood na niya ako sa Discovery Channel. "Hindi ko nga alam kung paano tayo nakauwi. Ang alam ko lang ay inaayos ko ang pwesto mo noong nakahiga ka sa back seat."

"Back seat? Sa tabi ng driver seat ako natutulog. Nginitian mo nga lang ako noong tinanong kita kung saan tayo papunta." Anong sinasabi ng babaeng to? Inayos ko pa nga ang pwesto niya para hindi siya mahulog sa upuan kung sakaling magpreno ako. "At pagkarating ng bahay ninyo, nakakatawa ka kasi naglalakad ka doon sa linya ng tiles, palagay ko sinusubukan mong maglakad ng tuwid. Tapos nahiga ka na sa sofa at nakatulog na din ako."

"Ginawa ko iyon?" Ang natatandaan ko sa linya ng parking lot ako naglalakad. Kung sa bahay nangyari iyon, ang inaakala kong kotse ay ang kama? At kaya nadaganan ako ng hita niya dahil sinubukan kong siyang iupo?

"Wala ka talagang natatandaan?"

"Wala."

"Okay. Sa palagay ko naman harmless ka talaga. Nagtataka lang ako kasi noong natutulog ka sa mesa ay may traces ka ng lipstick. Uhmm.. Sorry I thought hinalikan mo ako. Sabagay meron din sa may tenga baka nakipagflirt ka sa barista."

Patay. Nagbabad na nga ako sa tubig hindi pa nabura. Pero at least hindi ko sinadya yon. "So ako pala ang lasing," nasabi ko na lang matapos ay nagkatawanan na kaming dalawa. "Baka ako ang nasamantala!"

Magaling mag-initiate ng usapan si Kathy, natural siyang madaldal kaya hindi namin namamalayan ang paglipas ng oras. Lumamig na ang kape at hindi pa lumampas sa kalahati ang bawas. Nasobrahan yata ang pakikinig ko sa kwento niya kaya nalimutan kong may iniinom ako. Assignment na lang ang tirang kape.

"Mas mabuti na nga din sigurong magkakape na lang palagi tayo," nakangiting wika ni Kathy.

Palagi? Ibig sabihin masusundan pa. And that was it. Magkaibigan na yata kami. Sana.


Sa wakas matitikman ko na muli ang sarap ng payapang buhay. Itinaas ko na ang bandera. Hindi na ako makakakita ng death glare mula kay Kathy Belarmino. Inihiga ko ang pagod kong katawan pag-uwi ng bahay. Hindi ako makatulog agad. Natatawa pa din ako sa nangyari. Kumuha ako ng lapis at papel, nagdrawing ako ng caricature na nakangiti. Hangang sa napagkatuwaan ko ding lagyan ng lipstick sa pisngi at tenga. Mahirap palang dayain ang sarili. Nababaduyan ako sa sarili ko pero kusa talaga akong napapangiti. "Salamat Kathy."


Isa sa weird na pakiramdam ay ang alam mong nanaginip ka pero wala namang maalala kahit konting scene. Tipong lahat ng imposible ay nangyari noong gabing natutulog ka gaya ng biglang pagkakaroon kakahayahang lumipad pero pagbangon mo naglaho ay kakayahan mong lumipad pati ang sidekick na aso kasama ang lahat ng piraso ng panaginip. Basta may kung anong bagay ang nagtulak sa akin para bumangon ng maaga.

Habang naglalakad sa parking sinalubong na ako ni Recci. Gawain na niya iyong tuwing umaga. Hindi ko alam kung dahil kaibigan ang turing niya sa akin o alam niyang may dala akong kape palagi. Alam na nga niya kung saang parte ng kotse kukunin. Kung dati-rati nag-iisa ako sa kiosk na pinilit magmukhang kabute ngayon may karamihan na kami. May mga kangitian na din ako.


Habang naglalakad kami papunta ng art class, nag-iisip na ako ng mga bagay na pwedeng magpangiti kay Kathy para naman hindi naman siya palaging bida sa Discovery Channel. Hindi sa paraang pagpapatawa dahil alam kong palpak ako doon. Sinubukan kong humanap ng paraan sa mga old pals ko. Tinawagan ko sila para magkaroon ng konting idea. Simpleng bagay lang pala pwede ng mapangiti ang babae kung tutuusin. Ano bang kulay ang hilig ni Kathy? Anong bagay kaya gusto niya? Mapapasubo yata ako, kahit kasi konting detalye wala akong alam tungkol sa kanya.

"Mukhang magkasundo na kayo ni Kathy ah?"

"Siguro. Sana tuloy-tuloy na."

"Tuloy-tuloy hanggang simbahan." pabiro ni Recci. "San ang honeymoon?"

"Huwag mo ngang haluan ng malisya! Ni hindi ko pa nga kilala masyado si Kathy."

"Men, obvious tinamaan ka na!"

"Wala no! Hindi siya pasok sa tipo ko."

"Hindi nga pasok sa tipo pero pinatibok naman ang puso mo. Huwag mong lokohin ang sarili mo, hindi ka magkakainteres kilalanin ang babaeng iyon kung hindi ka tinamaan."

"Malabo ang sinasabi mo, Men."

"Ihi ka ba?"

"Ihi? Bakit?" kunot-noong wika ko.

"Kinikilig kasi ako."

"Corny na. Itinigil mo na.."

"Cute noong nasa bulletin, di ba? May dalawang caricature nagkakape." wika ng babae sa kausap niya noong makarating kami sa may lobby.

"Oo nga. Parang ngang kwento to e." sagot ng kausap."

Napatingin ako kay Recci. "Caricature? Not now please," wika ko sa sarili ko.


itutuloy...

Logged

Keep Moving Forward
« Reply #12 on: March 12, 2012, 02:30:34 PM »
jhaypee
Moderator
Hero Member

View Profile
*****
Gender: Male
Posts: 954



woaaaahhhhhhh, ganda. cge pa cge pa. kunti nag cocomment, pero maraming views! hahaha daming assassins dito nagtatago
Logged



I have love a girl once sad to say the return type was void....
« Reply #13 on: March 12, 2012, 03:59:50 PM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



@sir jhaypee - feel na feel mo ah haha

mga kinikilig siguro kaya hndi maka comment haha
Logged

Keep Moving Forward
« Reply #14 on: April 16, 2012, 09:53:28 AM »
dallas316
Sr. Member

View Profile
****
Gender: Male
Posts: 263



Chapter 8
-----------------


Ako ang bida sa kwentong ito pero bakit hindi ko kontrolado ang sitwasyon. Isang malaking playground ang lahat ng umiikot sa akin at ako ang napiling paglaruan. Ang nakapaligid lamang sa akin ang maaring gumawa ng caricature lalo pa't hindi naman ako celebrity na may stalker. Hindi rin naman ako pulitiko na dapat bantayan ang kilos at lalong hindi si Dora na palaging dapat sundan.

Lumapit ako sa bulletin board at mabilis na ginusot ang drawing bago pa makarating si Kathy. Ayoko na ng gulo. Maayos na ang lahat sa amin. Nawala ang excitement kong pumasok, kung kanina ay halos lumipad ako sa kama ngayon kahit tansan paniguradong hindi ko matatalon.

"Recci, bakit maaga ka pumasok? Wala namang special para dumating ka ng maaga dito." Hindi ako maaring magkamali si Recci lamang ang pinagkwentuhan ko ng gala namin ni Kathy.

"Iniisip mong ako ang gumawa niyan? Matagal na akong pumapasok ng maaga ngayon ka pa ba magtataka?"

"Iyon nga e. Tuwing umaga at wala pa ako nangyayari ang lahat."

"Kakaiba ka, Men. Kakaiba. Kaya siguro tahimik ka noong first day mo dito kasi wala kang taong pinagtitiwalaan. Hindi na prehistoric era ngayon, hindi lahat ng kaharap mo cannibal. Matagal ng uso ang mutualism. Matuto ka na magtiwala."

"Eh sa palagay mo sinong gagawa nito?"

"Itanong mo sa babaylan mo! O kaya sa bathala ng mga lapis!" Halos umakyat lahat ng dugo ni Recci sa kanyang ulo. Palibhasa ay may kaitiman nagkulay ube siya. "Hayaan mo magpapalate ako baka tumigil na nga. Saka bakit ka apektado sa drawing kung balewala naman sayo ang lahat. Akala ko ba hindi mo type si Kathy." Hindi ako nakapagsalita matapos niyang magwalk-out at bumitaw ng dialog na pwedeng magpataob kay Coco Martin.

"Hoy! Tumbler ko!" ang tanging naisigaw ko.

Bakit nga ba ako masyadong nauulol sa drawing? Tapos na ang bully days hindi ako batang dapat matakot kung mapahiya. Kung gaano man ka-sarcastic ang drawing paniguradong naghahanap lamang ng saya ang gumawa nito pero kung hindi magpapaepekto malamang magsawa din. Nahihiya ako kay Recci. Naging kaibigan ko din s'ya kahit palaging inuubos ang stock ko ng kape.

"Bakit tulala ka d'yan? Kulang ka na naman ba sa tulog?"

Bakit ang mga tao ngayon bigla na lamang sumusulpot. Kung may sakit ako sa puso malamang under surgery na ako. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso. "Hindi! Nagbabasa lang ako."

"Nagbabasa? Eh puro pictures lang ang nandyan sa bulletin board."

Sobrang babaw ko talagang magdahilan kaya malabo akong maging pulitiko paniguradong buking agad kapag nagsinungaling. "Ah eh, binabasa ko ang background ng mga pictures. Sobrang liliit nga kaya natagalan na ako. Saang lugar nga ba 'to, mukhang pamilyar e."

"Hay naku! Tumingin ka sa kanan mo, sa may stage lamang yan!"

"Kaya pala mukhang pamilyar."

"Ano 'yang nasa kamay mo?"

"Wala!" Ibinulsa ko na agad ang papel na may drawing ng caricature. "Pinagbalutan ko ng pagkain kaso inubos na ni Recci kanina. Patay gutom talaga ang isang iyon!"

"Tara pasok na tayo!"

Totoo nga! Umiikot lang ang kapalaran sa malas at swerte, ito na ang best time kasama si Kathy. We ate our lunch together and both namin naenjoy ang kwentuhan. Medyo nanakit lang kapag sobrang natutuwa lalo na kapag kabataan ang usapan. Nagrequest pa ako ng isang kanta pero bayaran ko daw siya. So nagcoffee kami together. Medyo weird ang pakiramdam kasi basta nagtatama ang aming mata bigla na lamang kaming nagkakatawanan. Ang matindi pa wala namang reason para tumawa.

Napag-usapan din namin ang caricature and sabi niya huwag ng intindihan dahil mapaparanoid lamang kami sa pag-iisip. Then bigla pumasok sa isip ko si Recci. Nasira ang pagkakaibigan namin dahil lamang sa pagkaparanoid ko sa caricature.

"Nagalit nga sa akin si Recci dahil pinagbintangan ko siyang gumawa nun e!"

"Hayaan mo na iyon! Sigurado ilang araw lamang nakabuntot na siya sa'yo. Hindi naman iyon nabubuhay ng walang kakapitan e."

"Sigurado ka?"

"Oo naman! 2nd art class na namin 'to kaya sigurado ako."

"Sana nga. Pero he deserves an apology."

"Wag na! Masyado ka namang mabait. Walang arte sa katawan iyon kaya hindi big deal doon ang mga sinabi mo. Sa sobrang simple niya pinapalampas niya lahat ng ginagawa sa kanya."

"Kilalang kilala mo siya ah!"

"Syempre."



Matagal na palang hindi ako tumututog ng gitara. Basta may nagtulak na lamang bigla sa akin para kunin ang gitara ni erpat. Akala ko nga hindi na ako marunong. Masarap talaga ang musika sa tenga kaya nagtataka ako kung bakit may mga taong nalulungkot kapag may nadidinig na particular na kanta. Siguro tama si erpat, ang musika lamang ang tanging may kakayahan para kausapin ang damdamin ng tao. Ang isang strum ng gitara ay maaring maghatid ng isang katerbang saya o kaya naman ay bariles ng mga luha.


"Kaibigan, tila yata matamlay.
Ang iyong pakiramdam,
At ang ulo mo sa kaiisip.
Ay tila naguguluhan,
Kung ang problema o suliranin.
Ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang iyong mukha
At ikaw ang siyang kawawa."


Paborito ni erpat ang APO, hindi lamang sa beat pati na din sa hatid na aral ng lyrics. Sa tuwing nakikita niya akong parang naluging tindero sa Baclaran, paborito niya akong kantahan. Para kaming tropa lang ni erpat kaya hindi mahirap mag-open. Sa lahat ng pinasok ko hindi nawala ang suporta niya hanggang sa pag-angat at pagbasak hindi siya nawala sa pag-alalay.

Nasa pangatlong stanza na ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong tinakbo ang phone sa kusina sa pag-asang si Kathy ang tatawag. Ilang araw na din akong paranoid na sana may matanggap man lamang akong message o tawag mula kay Kathy. Sadly. hindi sya.

"Ralph!"

"Hello, who's this?" tanong ko agad sa hindi nakaregistered na number ng caller.

"Its me, Andrea. Sa bar! Bakit hindi ka na pumupunta dito?" Naibigay ko ba ang number ko kay Andrea? Hindi ko din matandaan.

"Ah, wala kasi akong maisip na gagawin d'yan e." Hindi ko trip uminom lalo na kapag may pasok kinabukasan.

"Wala namang ibang gagawin dito. Hindi naman pwedeng gumawa ng homework dito," pagbibiro niya.

"I mean, ayoko naman pumunta mag-isa."

"Nandito naman ako." Oo nga naman nandoon siya. Bukod sa witty makwento pa plus cute pa. "Oh and your friend is here! And Archie!"

"Friend?"

"Stop asking. I'll wait for you. Bye!"

Umeecho pa ang sinabi ni Andrea sa tenga ko. Sinong kaibigan ko ang nasa bar? "Oh know, Kathy!"


Sa mga ganitong pagkakataon, umaapaw ang andrelin ko pero ang kotse hindi. Nadiskarga pa yata ang baterya. Wala namang tambay na pwedeng magtulak at kung meron man, malamang ay umiwas sa may gulong na tetanus.

Napilitan akong magbyahe kahit wala sa plano ko ang lumabas ng gabi. Nandoon si Kathy pati si Archie. Subukan lamang ng Archie na iyon na bastusin si Kathy pagkakasyahin ko siya sa tetra pack ng bear brand.


Pumasok ako ng bar at sinalubong naman agad ni Andrea. Malikot ang mata ko habang kinakausap niya. Hinahanap ko si Kathy. Sa sobrang dami ng tao hindi ko agad siya makita. Kung hindi pa umupo ang babaeng nakaharang sa kanya hindi ko siya mapapansin.

Hindi ako napansin ni Kathy kahit kawayan ko siya. Palapit na sana ako ng makitang kong papunta sa kanila si Archie. Pagkatapos noon, bigla na lamang tumayo at nakangiting kumaway sa akin.

Palapit na sana ulit ako sa kanila nang may lalaking lumampas sa akin. Papunta siya direction nina Kathy at siya namang sinalubong ni Kathy at naupo kasama nila. Invisible ba ako talagang masaya lamang siya. Nang tinamaan ng ilaw ang lalaking lumampas sa akin, siya ang lalaking kasama niya noong makita ko siyang umiiyak sa tabi ng kalsada.


Bakit iba ang nararamdaman ko? Nagseselos ba ako?


-itutuloy...

Logged

Keep Moving Forward
MY Pinoy Lah! - Malaysia Pinoy Forum
   



 Logged
 
Pages: [1] 2
  Print  
 
Jump to:  



Shout Box! - MY Pinoy Lah! - yebah!

[ Copy this | Start New | Full Size ]


Posting Disclaimer: Any person / individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of MY Pinoy Lah!, its administrators or moderators. MY Pinoy Lah! is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages.
Advertising Disclaimer: We are not related to and do not endorse any product or service being advertised on the site. We will not be held liable for anything advertised in this forum.
Powered by SMF 1.1.9 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC | Sitemap